Saturday, October 25, 2014

DINNER IN THE DARK - EYE BANK FOUNDATION

Hindi lahat ng bagay ay meron tayo, may mga bagay na dapat tayo ipagpasalamat sa May kapal, tulad ng pag kakaroon ng kumpletong limang SENSES. May mga kapwa tayo na may pagkukulang or kapansanan na hindi naman nila hiniling o sindayang mang yari sa kanila. Tulad na lang ng mga pipi, bingi at higit sa lahat ay bulag (blind impaired). October 18, 2014, nagkaroon ng event ang RESIDENCE INN (Tagaytay CITY), sa pangunguna ni G. Roberto L. Yupangco (President), ang tema ay “BLACK MAGIC & BLACK DINNER” para sa kapakanan/ikabubuti ng atingkapwa na may mga kapansanan sa paningin. Ang tema ng event na ito ay maipakita o maramdaman natin (ako mismo nasubukan ko) kung paano maging isang bulag/may kapansanan sa paningin. Sa tulong ng isang pundasyon/organisasyon “EYE BANK FOUNDATION” na pinamunuan ni Dra. Fancis Roa – Kinatawan at pakiki pag-tulungan ng “PWD FEDERATION, CITY OF TAGAYTAY” sa pamumuno ni G. Jay Caringal – Presidente ng pederasyon. Sa loob ng isang kwarto kami ay pumasok subalit nakatakip ang aming mata sa pamamagitan ng berdeng tela(blindfold). Pagpasok sa loob ng silid, inalalayan kaming mga taong may kapansanan sapaningin hanggang makaupo kami sa mga upuan na nakalaan sa amin. Bago kami pumasok sa loob ng silid, ipinaliwanag nas aamin ni Bb.CriseldaValderama kung paano kami kakain. ”Gamit ang orasan, tayo po ay kakain, pag-sinabi pong alasdose, ibig sabhin nito ay nasabahaging taas, pagsinabi pong alas sais, ito ay nasa bahaging ibaba. Gayun din po ang alas tres, sa bahaging kanan at alas nuebe sa bahaging kaliwa. Wag po tayong matakot sapagkat may magaalalay naman po sa atin sa loob. Mahigpit pong ipinagbabawal ang anomang uri ng gamit sa loob, lalong lalo na ang relos, cellphone at anumang bagay na kumikinang pag-nasinagan ng ilaw”. Kami ay nakaupo na, nagpakilala ang mga may kapansanan kada lamesa, sa aming lamesa, kami ay tinulungan ni Mercy(maykapansanan). Ilang minute pa, pinatanggal sa amin ang blindfold sa aming mga mata at kami ay nagulat sapagkat madilim parin ang paligid at wala kaming Makita o maaninag(totallydark). Kami ay kumain ng hapunan ng hindi naming nakikita ang aming kinakain, subalit nalalasahan, naamoy, at nahahawakan naming ito. Sa pagkakataongiyon, naramdaman ko kung paano ang kalagayan ng isang may kapansanan sa paningin. Sa pamamagitan lang ng apat na senses ang aming nagamit:Pan-dinig, pan-gamoy, pan-lasa at pan-dama. Ang event na ito ay makakatulong sa ating mga kapwa na mabigyan sila ng pag asa na makakita sa pamamagitan na kusang donasyon ng corneas tissue o mata sa panahong tayo ay pumanaw. Kung nais ninyong tumulong maari tayong makipag ugnayan sa sumusunod: 2nd Floor: SOJR Building, Phil. General Hospital Compind, Taft Avenue, Manila Tel: 3026282 / Mobile: 0922-8054542 / 0917-893-5995 Website: www.eyebankphil.com Sa iba pang mga event maari nyo ito makita sa: www.shutterbugmom.com

No comments:

Post a Comment